Home METRO Illegal recruiter ng PCG applicant, arestado

Illegal recruiter ng PCG applicant, arestado

283
0

Arestado ng pinagsanib na pwersa ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard at Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang illegal recruiter ng mga PCG applicant sa joint entrapment operation sa harap ng Baclaran Church sa Pasay City.

Kinilala ang naaresto na si Nelson Abordo habang at large ang kanyang kasabwat na sina Gly-an Jubac at John Herald Padillo.

Ayon sa PCG, ilang mga biktima ang nag-report na sila ay illegal na nirerecruit para maging PCG applicants kapalit ng pera.

Inaresto si Abordo makaraang tanggapin ang P15,000 marked money mula sa operatiba ng intel.

Kinumpiska rin ang “1911 Norinco Cal. 45 Pistol” na loaded ng pitong rounds ng live ammunition mula kay Abordo.

Nakipag-ugnayan ang PCG sa PNP-CIDG matapos makatanggap ng ilang reklamo mula sa mga aspiring applicants na nagbayad sila ng “down payments” sa mga suspek noong Abril 2023.

Patuloy namang pinapaalalahan ng PCG ang mga aplikante na maging mapagmatiyag at ireport sa awtoridad ang illegal recruiter na lalapit sa kanila .

Hinikayat din sila na tumawag o magtext sa Guard Human Resource Management Command (CGHRMC) sa 0935-782-2386 o sa Coast Guard Intelligence Force (CGIF) sa 0926-628-4519 para sa agarang aksyon

Mahaharap sa kasong Estafa at paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act si Abordo. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleSelpon kinumpiska, dormitoryo sinilaban; 19 patay!
Next articleParak, 2 suspek utas sa operasyon

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here