Home HOME BANNER STORY Imbes ihele, sanggol patay matapos ihagis ni tatay!

Imbes ihele, sanggol patay matapos ihagis ni tatay!

MANILA, Philippines – Patay ang isang pitong-buwang-gulang na sanggol matapos na ihagis ng sarili niyang ama sa Magsaysay, Davao del Sur.

Base sa imbestigasyon, kasalukuyan umanong may ginagawa ang nanay ng sanggol nang walang ano-ano ay kinuha ng kanyang 25-anyos na asawa na kinilalang si Angelo Malit ang paslit sa duyan at bigla umanong inihagis.

Tumama ang ulo ng paslit sa kahoy na hagdan na naging dahilan ng kamatayan nito.

Matapos nito ay nag-amok pa ang suspek sa labas ng kanilang bahay kaya hindi na nagawang nakalabas ng nanay para makahingi ng tulong.

Kinabukasan na naaresto ang suspek na mahaharap sa kasong parricide.

Isasailalim naman sa counseling ang ginang na may kapansanan. RNT

Previous articleMaris, pressured sa titulong RomCom Queen!
Next articleVP Sara at PBBM, walang problema sa isa’t isa