Home NATIONWIDE Imbestigasyon ng Italy sa Milan-based immigration consultancy na nang-scam ng 300 Pinoy,...

Imbestigasyon ng Italy sa Milan-based immigration consultancy na nang-scam ng 300 Pinoy, magsisimula na

ITALY – Inaasahang sisimulan na ng Office of the Public Prosecutor sa Italy ang imbestigasyon sa pang-iiscam ng
Milan-based immigration consultancy firm sa 300 jobseekers sa Pilipinas.

Sa pahayag, sinabi ng Philippine Consulate General sa Milan na nahaharap sa 92 reklamo ng fraud ang mga may-aring Pinoy ng Alpha Assistenza SRL.

“The Consulate, through its lawyer Bruno De Blasi, conveyed to the Office of the Public Prosecutor today that it could proceed with its formal investigation with the filing of 92 out of 102 complaints against the owners of Alpha Assistenza SRL,” ayon sa konsulado.

“The remaining 10 will be lodged as soon as concerned complainants submit the necessary supporting documents,” dagdag pa niya.

Posibleng abutin ng anim na buwan ang imbestigasyon, ayon sa Philippine Consulate General sa Milan.

Noong nakaraang buwan, una nang inihain ni De Blasi ang 11 reklamo laban sa mga may-ari ng Alpha Assistenza na sina Diane Krizelle Respicio at Frederick Dutaro.

Noong Oktubre 2023, nangako ang Alpha Assistenza SRL na makikipagtulungan sa imbestigasyon na isasagawa ng pamahalaan ng Pilipinas.

“My client is willing to participate in the investigation, ongoing,” ani Atty. Charlie Pascual, legal counsel ni Respicio.

“That’s all I can say right now and my client is willing to answer in the proper forum,” dagdag ni Pascual.

Aniya, nakipagkita na siya kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla upang ipahayag ang layuning makilahok sa nagpapatuloy na imbestigasyon.

“Yun lamang po. She’s been receiving too much from some media entities, medyo hindi na niya kaya. So I said to her, we have to come out to the open and clear your name,” sinabi pa ni Pascual.

Iginiit nito na si Respiscio ay hindi sangkot sa anumang recruitment.

Nag-ugat ang alegasyon matapos mangolekta ng pera ang naturang firm sa mga kaanak at kasamahan ng nasa 278 Filipinos para makakuha ng trabaho sa ilalim ng decreto flussi program ng Italy.

Sa kabila nito, bigong maibigay ng kompanya ang pangakong trabaho sa mga Filipino. RNT/JGC

Previous articlePaglulunsad ng ballistic missile ng NoKor, kinondena ng US, Japan, at South Korea
Next articleDraft sa PH-Vietnam rice deal halos tapos na