Home NATIONWIDE Imbestigasyon sa nawawalang milyones na coffee seedlings kinasa ng DA

Imbestigasyon sa nawawalang milyones na coffee seedlings kinasa ng DA

MANILA, Philippines – Sinabi ng Department of Agriculture (DA) na may patuloy na pagsusuri sa pamamahagi ng mga punla ng kape sa buong bansa kasunod ng mga ulat mula sa Philippine Chamber of Agriculture and Food Inc. (PCAFI) na milyun-milyon ang nawawala.

Sa naunang ulat, sinabi ng PCAFI na nagkakahalaga ng P100 ang bawat punla.

Ayon kay DA Assistant Secretary Arnel de Mesa sa isang panayam  na wala pang pormal na kautusan ngunit nagsimula na ang pagsusuri, kabilang ang pagtingin sa imbentaryo ng Bureau of Plant Industry (BPI), na siyang namamahala sa pamamahagi ng mga punla.

“Bagamat mayroon talagang ibinigay na sumbong ang PCAFI at ito ay i-rereview na, sinisiyasat na ng kagawaran” dagdag pa nito.

Kaugnay nito iginiit din ni De Mesa ang pangangailangang pasiglahin ang industriya ng kape, kung isasaalang-alang ang mataas na demand sa lokal.

“Malaki kasi ang demand for coffee. Malaki rin iyong ini-import natin, so kung magkakaroon tayo ng magandang production, so import substitution iyon ” sinabi niya.

Kaugnay nito binanggit niya ang magandang kalidad na ani ng kape sa bansa kabilang ang Arabica, Robusta, at Excelsa, bukod sa iba pang mga varieties.

“Sa ngayon karamihan ng coffee natin is being produced in Mindanao, especially in Region XII, sa Sultan Kudarat,”dagdag ni De Mesa.

Samantala bukod dito, kinukuha rin ang lokal na kape sa Cordillera Administrative Region, Southern Luzon, at Visayas.

Ang lokal na produksyon, gayunpaman, ay sumasaklaw lamang sa 20 porsiyento ng demand. Santi Celario

Previous articleAbogado kumpyansang mapapawalang sala si Quiboloy
Next articlePadilla kay Quiboloy: Ginawa ko na lahat; dumulog na lang sa Korte Suprema