Home HOME BANNER STORY Imee dumepensa sa aksyon ng Senado vs PI

Imee dumepensa sa aksyon ng Senado vs PI

MANILA, Philippines- Tinutulan ni Senator Imee Marcos nitong Martes ang pahayag na walang pakialam ang Senado sa people’s initiative para sa Charter change.

“Ang sinoman ang magsabi na walang paki ang Senado sa usaping ito, isa lang ang masasabi ko. Walang gamot sa kakapalan ng mukha mo,” pahayag ni Marcos sa imbestigasyon ng Senado sa umano’y payoffs sa people’s initiative.

Bagama’t walang binanggit na pangalan si Marcos, nagpakita siya ng video clips at mga ulat na tumuturo kay Speaker Martin Romualdez at mga miyembro ng Kamara bilang  mga indibidwal na nasa likod ng isinusulong na people’s initiative.

Sa press briefing nitong nakaraang linggo, sinabi ni Romualdez, pinsan ni Marcos, na hindi dapat makialam ang Senado sa people’s initiative dahil hindi umano ito bahagi ng trabaho nito.

“Wala kayong pakialam sa PI (people’s initiative). Trabaho ‘yan ng taumbayan. Ang Congress at senator, ang trabaho, legislation. PI is power of the people. [You senators should] buckle down to work. There is only 24 of you, get your act together. Focus on your work. Stop hitting on Congress and maintain parliamentary courtesy,” anang House leader. RNT/SA

Previous articleBalasahan sa PNP nagbabadya
Next articleBronwlee sana makalaro sa Gilas – Cone