Home NATIONWIDE Imee nagbiro sa bumagsak na Senate seal, ‘Pabagsak na ang Senado’

Imee nagbiro sa bumagsak na Senate seal, ‘Pabagsak na ang Senado’

84
0

MANILA, Philippines – Nagbiro at nangulit si Senador Imee Marcos nitong Miyerkules, Pebrero 8 kasabay ng pagbagsak ng seal ng Senado habang nagpapatuloy ang pagdinig.

“Pabagsak na ang Senado, ouch,” bitaw ni Marcos kasunod ng pagbagsak ng Senate seal sa kalagitnaan ng deliberasyon sa ilang mga panukala.

Ilan sa mga panukalang dinidinig sa Senado nang oras na iyon ay ang Senate Bill 21, 74 at 824 na pawang mga proposed amendments sa
Republic Act No. 10868 o ang Centenarians Act of 2016 – at Magna Carta for Child Development Workers or Day Care Workers.

Sa kabila nito, nabigla ang mga senador nang bigla na lamang may malakas na ingay sa Senate room na sa kabutihang-palad ay wala namang nasaktan.

“Mabuti walang tao,” ani Senador Sherwin Gatchalian, kasabay ng pagtingin ni Senador Robinhood Padilla sa mga staff ng Senado.

“Kaya nga buti na lang walang nabagsakan,” ani Marcos. RNT/JGC

Previous articleKonstitusyon, rerepasuhin para maka-engganyo ng foreign investors – Romualdez
Next articleBantag naghain ng counter affidavit sa Lapid slay case