Home NATIONWIDE Imee: Pagpapalaya sa PDLs sa  Women Correctional, paspasan na!

Imee: Pagpapalaya sa PDLs sa  Women Correctional, paspasan na!

352
0

MANILA, Philippines- Nanawagan ang mambabatas nitong Lunes na bilisan ang pagpapalaya sa mga preso, at sinabing ilan sa detainees ang nananatili pa rin sa mga kulungan sa kabila ng acquittal.

Ayon sa ulat, dismayado si Senator Imee Marcos na kaunting persons deprived of liberty (PDLs) lamang ang nakakalaya mula sa Correctional Institute for Women sa Mandaluyong City.

“Kailangan natin ng konting tulak sa DOJ (Department of Justice) at sa ating Pangulo, sana paspasan na,” giit ni Marcos.
Advertisement

Hinggil sa makupad na pagpapalabas sa PDLs, iniugnay ito ng BuCor sa mabagal na bureaucratic process.

“Babawi po ako i-expedite po lahat… papeles po kasi,” ani BuCor chief Gregorio Catapang.

Ilang mga preso, kabilang ang 67-anyos na PDL, ang dapat sana ay nakalabas na mula sa women’s correctional facility nitong Lunes subalit naantala dahil sa hindi pa tapos na pagproseso sa kanilang mga papel. RNT/SA

Previous articleRemulla sa kawang-sala ni De Lima: ‘I do not have enough info’
Next articleHalos 96% ng SIM owners, rehistrado na – DICT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here