Home ENTERTAINMENT Imelda Papin, pasok sa Marcos admin, director na ng PCSO!

Imelda Papin, pasok sa Marcos admin, director na ng PCSO!

Manila, Philippines- Kilala na isang loyalista ng pamilya Marcos ang veteran OPM singer na si Imelda Papin. Bukod dito ay naging vice governor din siya ng CamSur.

May pelikula pa ngang umiikot ngayon si Imelda na The Untold Story of Imelda Papin, kung saan tinalakay doon ang naging buhay niya kasama ang Marcos family sa Hawaii nu’ng na-excile sa nasabing bansa ang former president na si Ferdinand Marcos Jr.

Ngayon naman ay opisyal nang magsisilbi sa Marcos admin si Imelda bilang isa sa limang directors ng Philippines Charity Sweepstakes Officer (PCSO) sa pamumuno ni Chairman Mel Robles.

“Maraming salamat sa Panginoon, sa aking pamilya, sa supprta, sa aking anak, sa mga apo ko at mga kapatid ko, maraming salamat sa mga kaibigan ko, at sa media dahil kung wala kayo walang Imelda Papin.

“Hindi ako makapaniwala na ako ay maglilingkod na sa Marcos admin.

“Nagpapasalamat din ako sa ating presidente, Ferdinand Marcos Jr. sa opportunity na binigay niya sa akin at pinapangako ko na hindi ko siya bibiguin,” sabi pa ni Papin.

Ngayon pa lang ay may naisip nang project si Imelda na agad niyang gagawin sa kanyang opisyal na pag-upo bilang isa sa nga directors ng PCSO.

“Isang Linggong Serbisyo. ‘Yan ang plano ko sa PCSO, na imbes na five days lang, dadagdagan ng Saturday and Sunday ang serbisyo para sa tao,” pag-explain pa niya.

FYI, Isang Linggong Pag-ibig ang isa sa nga kantang pinasikat ng tinaguriang Jukebox Queen at doon siguro nai-pattern ni Imelda ang kanyang proyekto sa PCSO.

Goodluck Mam Imelda at abangan natin ang klase ng serbisyo na ibibigay niya sa madlang pipol. JP Ignacio