MANILA, Philippines – Umugong ang posibilidad ng impeachment laban kina Pangulong Bongbong Marcos at Vice President Sara Duterte dahil sa isyu ng confidential funds subalit aminado si Act Teachers Party list Rep at House Deputy Minority Leader France Castro na “premature” pa ito.
Aminado si Castro na wala silang numero para isulong ang isang impeachment case.
“Impeachment is a political action, and a political action needs numbers. Iyong numbers namin ay kulang talaga. Kaya dinadaan namin sa diskurso, at pag-eexpose na ma-educate ang ating taumbayan na mali tong ginagawang ito,. Kaya nga pinapatanggal din namin ang confidential fund na ito kasi it’s being abused,” paliwanag ni Castro.
“There’s potential, but as far as we are concerned, it would be premature to file an impeachment complaint, whether it be against the Vice President or the President. It is premature to talk about impeachment because discussions about this are evolving. Our focus is on the budget,” dagdag pa nito.
Una nang kinuwestiyon ni Castro ang legalidad ng ginawang paglilipat ng P125 million contingent fund ng Office of the President patungo sa Office of the Vice Presdident.
“The contingent fund of the President in 2022 was used as if it was a confidential fund when there is no budget item for it. You cannot augment anything because there is no item to augment to begin with,” ani Castro.
Inamin ni VP Sara na ang nasabing confidential funds ay kanilang ni request noong August 2022 at kanilang nakuha ang alokasyon noong Dieyembre 2022.
“Itong Office of the President naman, kinuha niya ito doon sa kanyang contingency fund. Ang problema kasi rito, mayroong definition ng contingency fund at kung saan mo lang siya pwedeng gamitin. Wala akong problema kung nagamit iyan sa feeding program, medical assistance ng ating mga kababayan. Pero ang problema riyan iyong pinanggalingan ng pondo na ginamit siya as confidential…Kasi kung galing sa contingency fund iyan, dapat nag-follow rin ito ng rules,” giit ni Castro.
Bilang depensa una nang sinabi ni Duterte na ang Department of Budget and Management ang syang makakasagot sa naging paglilipat ng pondo. Gail Mendoza