Home NATIONWIDE Implementing rules sa Maharlika Fund, nasa final phase na

Implementing rules sa Maharlika Fund, nasa final phase na

287
0

MANILA, Philippines – Nasa final stage na ang pagbuo ng implementing framework para patakbuhin ang Maharlika Investment Fund (MIF).

“The crafting of the IRR (implementing rules and regulations) started right after the approval of the MIF bill,” pagbabahagi ni Finance Secretary Benjamin Diokno nitong Biyernes, Hulyo 7.

“It’s now in its final phase,” dagdag pa niya.

Ngayong buwan lamang din ay inaprubahan na ng Kongreso ang MIF bill kasabay ng pag-adopt sa bersyon ng Senado sa ginanap na bicameral conference committee meeting.

Nauna nang inamyendahan ng Senado ang bersyon na nagbabawal sa state pension at insurance fund na gamitin para sa MIF, probisyon na kasama na sa bersyon ng Kamara na naaprubahan sa ikatlo at huling pagbasa noong Disyembre.

Kinumpirma naman ng Malacañang nitong Miyerkules na natanggap na nila ang kopya ng proposed MIF bill.

Agad naman na pipirmahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panukala sa oras na makarating na ito sa kanyang opisina. RNT/JGC

Previous article1,382 bagong kaso ng Omicron naitala – DOH
Next articlePerformance-based bonus sa health workers, ipinanawagan!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here