Home OPINION IMPORTED AGRI-PRODUCTS VS LOCAL FARMERS

IMPORTED AGRI-PRODUCTS VS LOCAL FARMERS

MISTULANG parang kendi na ipinamumudmod sa mga bata ang ginawa ng mga magsasaka sa Benguet noong Disyembre makaraang ipamigay nito ang ilang gulay tulad ng carrots sa taumbayan bunsod sa walang mamimili dulot nang bumaha na imported na gulay sa mga merkadong saksakan ng mura.

Marami pa rin ang nabulok sa kabila nang pamamahagi nito sa mga dumarayo sa Baguio City dahil na rin sa napakaraming ani ng mga tagaroon kaya naman malaki ang nawalang puhunan at kita ng mga magsasaka.

Ilan pa kayang magsasaka sa bansa ang nakararanas din ng ganitong kalagayan na kung hindi binabarat ng middlemen ang ani nila ay wala nang mapagbentahan ng mga gulay dahil sa napakababang presyo ng mga umaangkat?

Ipalagay pa na nating kailangan ding mag-import ng agricultural products na ‘yan tulad ng bigas, karne at iba pa subalit hangga’t hindi natutuldukan ang pagpupuslit sa bansa ng pangunahing pagkain, hindi rin maibebenta ang mga lokal na produkto sa makatwirang predyo bunsod sa napakamura ng mga iligal na bilihin na ‘yan na tinatangkilik naman ng taumbayan.

Batid ng bawat isa na malinis ang hangarin ni Pangulong Bongbong Marcos na umangkat ng mga produkto upang may pagkaing sapat ang mamamayan ngunit habang hindi natitigil ang sindikato sa loob ng Department of Agriculture  na matagal nang pinasisilip ng Pangulo, hindi rin maiaangat ang sektor ng agrikultura sa bansa.

Ibig sabihin, kailangang putulin muna ang ugat ng kutsabahan sa DA at Bureau of Customs upang tuluyan nang maging makatotohanan ang nais mangyari ni PBBM na pagpapalakas ng magsasaka’t mangingisda sa bansang sagot naman ng self-sufficiency sa usapin ng pagkain.

Previous articleMGA BAGONG AKO
Next articleTUWA NG DOKTOR AT ATAKE SA PUSO