Home NATIONWIDE Impounding areas palalawakin sa mga mahuhuling kolorum PUVs sa Pebrero – LTO

Impounding areas palalawakin sa mga mahuhuling kolorum PUVs sa Pebrero – LTO

MANILA, Philippines – Palalawakin ng Land Transportation Office (LTO) ang impounding areas nito sa Metro Manila at kalapit na probinsya bilang paghahanda sa dami ng mga colorum na public utility vehicles (PUVs) na mahuhuli nila pagkatapos ng Enero 31.

“Nilalakihan namin ‘yung impounding areas natin para sa ganun, kung talagang tatakbo pa rin sila, kasi they’re violating the law already,” saad sa pahayag ni LTO chief Vigor Mendoza nitong Miyerkules, Enero 17.

Ang unconsolidated jeepneys ay idedeklara nang colorum pagsapit ng Pebrero 1, kung saan sa memorandum ay tatanggalin at ituturing nang pasok ang mga prangkisa ng mga ito.

Makikipagtulungan ang LTO para gamitin ang government-owned lands sa Metro Manila at Calabarzon habang plano rin nitong magbukas ng mga bagong impounding areas sa Visayas at Mindanao.

“Sana hindi mapuno. Sana mag-comply na lang at magrehistro’Yung mga nagrereklamo sa modernization, sana sumama na ho. Subukin lang nila. Wala naman mawawala,” ani Mendoza.

Sinabi pa ng LTO chief na nakikipagtulungan din sila sa concerned agencies para mapalakas ang enforcement maging sa mga tollway.

“Yung unregistered, pag hindi sila nakarehistro — whether consoldiated or unconsolidated — huli po kayo,” ani Mendoza.

Nauna nang sinabihan ang mga PUV driver na dalhin ang kanilang aprubado o pending na franchise consolidation forms, maging ang kanilang LTO registration documents dahil magsisimula na ang mga transport officer na magsagawa ng random checks simula Pebrero.

Ang franchise consolidation, na nagtapos noong Disyembre 31, 2023 ay bahagi ng PUV modernization ng pamahalaan.

Tatanggalan ng permit ang mga PUV operator at drayber na hindi nakapag-consolidate sa isang kooperatiba o korporasyon. RNT/JGC

Previous articleVisa application process nirebisa ng BI vs bogus firm scheme
Next articleBiyahe ng ilang barko, kanselado