Home NATIONWIDE Impounding facility ng LTO palalawakin para sa mahuhuling kolorum

Impounding facility ng LTO palalawakin para sa mahuhuling kolorum

MANILA, Philippines – TINIYAK ng Land Transportation Office (LTO)  na kanilang palalawakin at bubuksan ang mga bagong impounding facility habang pinaiigting nito ang panghuhuli sa mga colorum na sasakyan, kabilang ang mga pribadong sasakyan gayundin ang mga unconsolidated jeepney na ituturing na colorum sa Pebrero 1.

Nilinaw ni LTO chief Assistant Secretary Vigor Mendoza II na hindi mag-zero in sa mga unconsolidated jeepney, kundi maging sa lahat ng hindi rehistradong pampubliko at pribadong sasakyan sa bansa.

Sinabi ni Mendoza na ang mga unconsolidated na PUJ ay hindi awtomatikong nangangahulugang hindi rehistrado, ngunit maaari pa rin silang hulihin dahil sa pagiging colorum.

“Tuloy-tuloy po ‘yung programa ng LTO. Last year pa po ‘to, ‘yung unregistered motor vehicles, and we have to apply equally to all,” ani Mendoza.

“We will implement the law as worded, kung hindi naman kami mababalikan bakit hindi sila hinuhuli, bakit ‘yung iba ay hinuhuli namin,” he added. “Kung wala na siyang prangkisa, colorum na siya…not as unregistered, hindi lang multa yun, merong criminal liability yan.”

“Nagsampa kami ng mga kasong kriminal laban sa mga colorum operator at ang multa P3 milyon po ‘yan, kaya na-impound po ‘yan,” ayon kay Mendoza.

Ayon kay Mendoza, plano nilang magbukas ng mga bagong impounding area sa mga lalawigan para makapag-accommodate ng mas maraming sasakyan.

“Meron tayong bubuksan na impounding area sa Carmona (Cavite), meron tayong bubuksan na dalawang ektaryang impounding area dito sa MOA [Mall of Asia] area. Meron tayong bubuksan na impounding area dito sa Lipa (Batangas) San Pablo at San Pedro (Laguna). Tingin namin, sapat na yun…sana hindi mapuno sana mag-rehistro na lang ng sasakyan. Yung mga nagrereklamo sa modernization, subukan lang nila, wala namang mawawala kung subukan nila,” dagdag pa ni Mendoza. Santi Celario

Previous articleFDA nagbabala sa publiko sa paggamit ng Gluta
Next articleOIC tserman sa Laguna itinumba