Ina at asawa, ginilitan sa leeg ng napraning na mister

Ina at asawa, ginilitan sa leeg ng napraning na mister

May 24, 2020 @ 10:22 AM 4 days ago

  •  
  •  
  •  
Share

Pangasinan – Patay ang apat na katao sa Brgy. Banuar, Laoac, Pangasinan matapos na isang lalaki ang mawala sa katinuan at laslasin sa leeg ang tatlong kasama nito sa bahay bago ito nagpakamatay.

Kinilala ni Police Captain Mark Ryan Taminaya, hepe ng Laoac Police Station, ang mga nasawi na sina Nestor Untalan, ang asawa nitong si Mae Untalan, ang nanay ng suspek na si Rema Untalan, at ang babaeng bedridden na si Rosita Tanggo na nakatira din sa bahay ng naturang pamilya.

Gamit ang isang chopping knife, nilaslas ni Nestor sa leeg ang tatlo at pagkatapos ay naglaslas din sa sarili.

Sugatan din sina Gerardo Tadena at Anthony Pastor na nagtangkang tumulong sana sa mga biktima pero hinabol din sila ng saksak ng suspek.

Wala namang nangyari sa dalawang anak ng suspek na agad na nakapagtago.

Lumalabas sa imbestigasyon na may matinding problema ang suspek dahil bago umano nangyari ang krimen ay tatlong araw na itong hindi nakakatulog at may mga pagkakataon na napagkakamalan pa niyang ahas ang isang putol na kahoy.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng Laoac PNP sa naturang krimen. Rolando S. Gamoso

Share

Leave a Reply

Loading...