Home METRO Ina kulong sa online sex, 5 anak ibinugaw

Ina kulong sa online sex, 5 anak ibinugaw

352
0

BATAAN- HIMAS rehas ngayon ang isang ina ng tahanan matapos madakip ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) dahil sapilitang ibinubugaw ang 5 dalagita sa pamamagitan ng ‘online sex’, iniulat kahapon sa bayan ng Dinalupihan.

Sa pinagsamang operasyon ng National Bureau of Investigation Anti-Human Trafficking Division (NBI-AHTRAD), IACAT Operations Center (IACAT OpCen), at Municipal Social Welfare Development Office (MSWDO), noong Mayo 23, 2023 naaresto ang hindi pinangalanang suspek sa paglabag sa mga kasong Anti-Child Sexual Abuse or Exploitation Materials (CSAEM); RA No. 11862, the Anti-Trafficking in Persons Act of 2003 Republic Act (RA) No. 11930, the Anti-Online Sexual Abuse or Exploitation of Children (OSAEC) and, as amended; and RA No. 7610, the Anti-Child Abuse Law.

Nakumpiska sa suspek ang iba’t ibang uri ng smartphones at nadiskubre ng mga awtoridad ang mga biktima nito ng child sexual abuse at mga exploitation materials.

Sa pahayag ng IACAT, nag-ugat ang pagkakahuli sa suspek dahil sa sumbong ng Australian Federal Police toan 2022 makaraan mahuli ang Australian national mula Thailand at dumating sa Sydney International Airport na amy kasong child exploitation.

Narekober rin sa suspek ang kanyang cellphone na naglalaman ng child abuse materials at ang mga biktima nito ay pawang mga batang Filipino children.

Sa ngayon nasa pangangalaga ng MSWDO ang 5 dalagita para sa kanilang tirahan at isasailalim sa counseling./Mary Anne Sapico

Previous article2 guro pinagbabaril, 1 patay
Next articleDOH naglabas ng mga paalala sa pagbayo ni #BettyPh

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here