Home ENTERTAINMENT Ina ni Sarah, may resbak kay Anabelle?

Ina ni Sarah, may resbak kay Anabelle?

Manila, Philippines- Hindi na bago kung tutuusin kung may mga posts din sa Instagram si Esther Lahbati, ang butihing ina ni Sarah.

Nakakapanibago lang as far as the netizens are concerned dahil bahagi ng post ni Esther ay may kaugnayan sa kanyang tinatanggap na pension sa Switzerland.

Kung meron din lang kasing oras, Sarah’s parents shuttle between here and Switzerland.

This holiday season, dito sa bansa piniling mag-Pasko ang mga ito.

Post ni Esther sa IG: “Having lunch here at BGC. Spending good time. Enjoy life, life is short!”

Kung may nakapukaw sa atensyon ng mga netizens, ‘yun ay ang linya ni Esther na: “Spending my pension in Switzerland!”

Hindi nga lang malinaw kung tulad ni Esther ay pensyonado rin ang ama ni Sarah.

Pinuri naman ng mga netizens ang pagiging straightforward ni Esther sa pagsasabing pension niya ang kanyang ginagastos sa pagliliwaliw dito.

It follows kasi na nababahaginan ni Esther ang kanyang anak.

Ang pagiging pensionado raw ni Esther ay puwedeng gamiting dahilan daw ni Sarah na hindi totoo ang paratang ng biyenang si

Annabelle Rama na winawaldas niya ang perang pinagtatrabahuhan ni Richard.

“Tama po ‘yan!” pagsang-ayon ng mga netizens sa pagmamalaki ni Esther ng kanyang pension.

But on the assumption na naaambunan si Sarah ng pension ng ina, bakit hindi niya ito ipost para malinaw? Ronnie Carrasco III

Previous articleSarah, inaasar si Annabelle sa IG?
Next articleDaniel, nanunuyo? Kathryn, may sagot!