CAMARINES SUR – PALAISIPAN ngayon sa mga awtoridad ang pamamaril patay sa isang ginang habang sugatan ang anak nitong babae, noong Biyernes sa bayan ng Bula ng probinsyang ito.
Kinilala ang nasawi na si Gigi Memes, 37-anyos, habang ang sugatan ang 11-anyos nitong anak na babae na hindi pinangalanan at kapwa residente ng Zone 4-B Brgy. Casugad, sa nasabing bayan.
Batay sa report ng Bula Police Station, bandang 5:00 AM naganap ang krimen sa loob ng bahay ng mag-ina sa nabanggit na lugar.
Lumabas sa paunang imbestigasyon, pinasok ng hindi pa kilalang kalalakihan ang bahay ng mga biktima at dumaan sa likod saka pinagbabaril ang mga ito.
Advertisement