CAMARINES SUR – PALAISIPAN ngayon sa mga awtoridad ang pamamaril patay sa isang ginang habang sugatan ang anak nitong babae, noong Biyernes sa bayan ng Bula ng probinsyang ito.
Kinilala ang nasawi na si Gigi Memes, 37-anyos, habang ang sugatan ang 11-anyos nitong anak na babae na hindi pinangalanan at kapwa residente ng Zone 4-B Brgy. Casugad, sa nasabing bayan.
Batay sa report ng Bula Police Station, bandang 5:00 AM naganap ang krimen sa loob ng bahay ng mag-ina sa nabanggit na lugar.
Lumabas sa paunang imbestigasyon, pinasok ng hindi pa kilalang kalalakihan ang bahay ng mga biktima at dumaan sa likod saka pinagbabaril ang mga ito.
Tinamaan sa dibdib si Gigi na tumago sa dibdib habang sa braso naman ang anak nito.
Naisugod namans a ospital ang mag-ina subalit idineklara na rin patay ng umatending doktor si Gigi.
Matapos ang krimen mabilis na tumakas ang mga suspek sa hindi malamang direksyon.
Sa ngayon inaalam na ng mga awtoridad ang tunay na motibo sa krimen at pagkakakilanlan sa mga suspek para sa agaran ikadarakip. Mary Anne Sapico