Home METRO Ina patay sa selos ng kinakasama

Ina patay sa selos ng kinakasama

234
0

QUEZON- HINDI na nagawa pang makabalik ng ibang ina ang isang ina na Overseas Filipino Worker (OFW) matapos pagsasaksakin patay ng kanyang kinakasama dahil umano sa selos nitong Huwebes, Setyembre 10.

Kinilala ang biktimang si Lorena Miranda Maglaya, 49-anyos, habang tinutugis naman ang suspek at kinakasama nitong si Josue Prinsipe Callejo, 53-anyos, kapwa residente ng Barangay San Isidro sa nasabing bayan.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, nag-aayos ang biktima ng kanyang mga gamit para sa pag-alis nito sa ibang bansa para magtrabaho nang bigla na lamang siyang awayin ng suspek.

Hindi na nagawa pang ipagtanggol ng biktima ang kanyang sarili matapos siyang pag-uundayan ng saksak ng suspek gamit ang kutsilyo na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.

Nabatid, na madalas umanong nagseselos ang biktima sa suspek lalo pa’t paalis na sana ito ng ibang bansa ngayon linggo.

Matapos ang krimen mabilis na tumakas ang suspek sa hindi malamang direksyon at ngayon ay nahaharap sa kasong pagpatay. Mary Anne Sapico

Previous articleUPDATE: Terminal sa Batangas hinagisan ng granada
Next articleTirador sa skyway project, timbog!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here