Home METRO Ina, tiyahin na nagbebenta ng malalaswang video ng sariling anak sa QC...

Ina, tiyahin na nagbebenta ng malalaswang video ng sariling anak sa QC arestado

MANILA, Philippines – NADAKIP ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation – Human Traficking Division ang nanay na responsable sa umano’y pagbebenta sa mga malalaswang larawan at video ng kanyang sariling anak online.

Iniharap sa media ni NBI Director Judge Jaime Santiago ang naarestong magkapatid kabilang ang ina ng 11-taong gulang na bata.

Ayon sa NBI ang pagkaka-aresto sa dalawa ay kasunod ng sumbong na natangggap ng isang NGO sa isang Telegram user na ang mga suspek ay nag-aalok umano sa mga dayuhan ng recorded sexual video ng live sexual show sa halagang P25,000.

Dahil sa natanggap na impormasyon ay agad na ipinag-utos ni NBI Director Santiago ang entrapment operation at naaktuhan ang mga suspek habang isinasagawa ang online show.

Sa ngayon ay nasa pangangalaga na ng DSWD ang menor de edad habang nasampahan na rin ng patung-patong na mga kasong paglabag sa RA 11862 o ang expanded anti-trafficking in person act of 2022, RA 11930 anti-online sexual abuse at RA 7610 o special protection of children against abuse exploitation and discrimination act ang magkapatid na 28 at 26-anyos.

Dahil dito ay umaapela si Dir Santiago, sa publiko na ipagbigay-alam sa kanilang tanggapan ang ganitong klase ng pang-aabuso laluna sa mga kabataan. Santi Celario