Home NATIONWIDE ‘Increased production’ susi sa pagpapahupa sa inflation – PBBM

‘Increased production’ susi sa pagpapahupa sa inflation – PBBM

358
0

MANILA, Philippines- Inilahad ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nitong Miyerkules na ipagpapatuloy ng kanyang administrasyon na pababain ang inflation rate sa pagbanggit niya sa “increased production” bilang susi sa pagkamit ng layuning ito.

“We will try, of course, to continue to bring it down but that requires our success in increasing our production, making it more efficient and again the value chain that I’m always talking about ad infinitum but it’s really the answer,” pahayag ni Marcos.

Bumagal ang inflation rate ng Pilipinas sa ika-limang sunod na buwan noong Hunyo, sa pagbagal ng pagtaas ng  food, transport, at utility prices.

Iniulat ni National Statistician and Philippine Statistics Authority chief Claire Dennis Mapa na lumuwag ang inflation sa 5.4% noong nakaraang buwan mula sa 6.1% noong Mayo, na nagdala sa year-to-date rate na 7.2%

Ito ang ika-limang beses na bumaba ang inflation mula sa peak na 8.7% noong January.

Ito rin ang pinakamababang rate sa loob ng 15 buwan mula sa 4.9% inflation rate noong Abril 2022, base kay Mapa.

“Ang pangunahing dahilan ng pagbagal ng antas ng inflation nitong Hunyo 2023 kaysa noong Mayo 2023 ay ang mas mabagal na paggalaw ng presyo ng Food and Non-Alcoholic Beverages,” aniya.

Samantala, sinabi naman ni National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan na umuusad ang Pilipinas sa pangangasiwa sa inflation, na aniya ay inaasahang bababa sa 2% hanggang 4% sa pagtatapos ng taon.

“The government remains committed to protecting the purchasing power of the Filipino people by ensuring food security, reducing transport and logistics costs, and lowering energy costs for Filipino households,” pahayag ni Balisacan. RNT/SA

Previous articleXyriel, aminadong hirap sa malaking boobs!
Next articleMister na ‘di nagbayad ng utang, kinatay!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here