Home METRO Incumbent barangay chairman nilaslasan ng kapartido

Incumbent barangay chairman nilaslasan ng kapartido

MANILA, Philippines – Isang incumbent Barangay Chairman ang sugatan makaraang laslasin sa baba ng kapartido at kasama nito sa pagtakbo bilang Barangay Councilor na naka-alitan dahil sa resulta sa nakaraang barangay at Sangguniang Kabataan election sa Cavite City.

Kasalukuyang ginagamot ngayon sa Cavite Medical Center ang biktimang si ‘Rodel’, 51, incumbent Barangay Chairman ng Brgy. Dalahican, Cavite City dahil sa laslas ng kutsilyo sa kaliwang baba.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek na si alyas ‘Ateng’, 73-anyos, incumbent Barangay Councilor sa Cavite City.

Batay sa report ni PSSG Benson Cauntay ng Cavite CPS, ang biktima at suspek ay magkapartido at kapwa tumakbo bilang Barangay Councilor sa Cavite City noong nakaraang halalan.

Nagkaroon umano ng alitan ang dalawa makaraang magkita sa Arnaldo 2 St., Barangay 1 Dalahican, Cavite dahil sa resulta umano noong nakaraang halalan sa nasabing lugar hanggang sa naglabas ng kutsilyo ang suspek at nilaslas ang kaliwang baba ng biktima.

Isinugod ang biktima sa ospital kung saan kasalukuyan itong nagpapagaling. Margie Bautista

Previous articlePaghahatid ng BrahMos supersonic missile sa bansa, inihahanda ng India
Next article2 puganteng dayuhan arestado ng BI sa magkasunod na operasyon