Home OPINION INDANG BSKE UNITY WALK AND PEACE COVENANT SIGNING

INDANG BSKE UNITY WALK AND PEACE COVENANT SIGNING

KAUGNAY sa nalalapit na Barangay and Sangguniang Kabataan Elections  sa October 30, 2023, ginanap naman sa bayan ng Indang, Cavite ang Unity Walk and Peace Covenant Signing ng lahat ng mga kumakandidato para sa Sangguniang Barangay at Sangguniang Kabataan mula sa 36 barangay ng bayang ito.

Ginanap noong Oktubre 18, 2023 ang Unity Walk na nagmula sa Indang Municipal Covered Court ganap na 2:30 ng hapon patungong Saint Gregory the Great Parish Church sa Indang para naman sa short program ng Peace Covenant Signing bandang alas-3 ng hapon.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni Indang Vice Mayor Sammy Rodil na kumatawan kay Indang Mayor Pecto Fidel, P/Maj Edward Cantano, hepe ng Indang Municipal Police Station, Aladdino Calanog, hepe ng MILG Indang, Regina Klarrise Gonzales, hepe ng Indang COMELEC, Aerren Jasper Signo, mula sa PPCRV – Indang, Rev. Fr. Marty Dimaranan ng Saint Gregory the Great Parish, at Pastor Roger Panganiban ng Indang Christian Fellowship.

Samantala, ito ay dinaluhan ng mahigit 1,000 kandidato mula sa 36 barangay ng Indang mula sa iba’t-ibang partido at indibidwal na mga indipendyente kandidato.

Isinagawa rin ang Integrity Pledge ng lahat ng mga kandidato,  ganoon din ang Oath of Non-Partisanship ng mga pulis ng Indang na pinamunuan ang panunumpa ni P/Cpt Danny Ferrera na Deputy Chief ng Indang PNP.

Matapos ang Peace Covenant Signing sa loob ng Simbahan ay sabay-sabay na inawit ang “Bayan Ko” at sabay-sabay na pinakawalan ang mga kalapating puti na simbolo ng pagkakaisa at kapayapaan.

Previous articleTraffic scheme, mga alituntunin sa Undas 2023 inanunsyo ng Marikina
Next articleVALENZUELA HONORS 12 CENTENARIANS, GIVES CASH INCENTIVES