Home NATIONWIDE Indefinite suspension sa voter registration sa Israel, irerekomenda ng ComelecNATIONWIDETOP STORIES Indefinite suspension sa voter registration sa Israel, irerekomenda ng ComelecOctober 10, 2023 17:48 FacebookTwitterPinterestWhatsApp MANILA, Philippines- Nais ng Commission on Elections (Comelec) na magpataw ng indefinite suspension sa voter registration ng mga Filipino sa Israel.Ayon kay Comelec chairman George Garcia, irerekomenda ito sa Comelec en banc sa gitna na rin ng tumitinding kaguluhan doon.Aniya, simula noong Linggo ay nagsara ang Philippine Embassy sa Israel ngunit base sa update ay muli na itong nagbukas.Binigyang-diin ni Garcia na mahirap ipagbakasakali ang buhay ng mga Pilipino hangga’t hindi pa maayos ang sitwasyon sa lugar.Ang pagpaparehistro ng mga botante ay kaugnay ng Eleksyon 2025.Sinabi rin ni Garcia na pag-aaralan nila ang posibleng “extension” ng voter registration sa Israel, sakaling matuloy ang suspensyon.Nagsimula ang voter registration para sa overseas voters sa 2025 elections noong December 2022 at tatakbo sa loob ng dalawang taon.Sinabi ni Garcia na mayroon nang 2,000 bagong botante ang nakapagparehistro sa Israel.Naniniwala ang poll chef na tataas ang bilang kung magpapatuloy ang pagboto sa internet para sa overseas absentee voting.Sinabi ng Comelec na para sa national at local elections (NLE) noong 2022, mayroong 13,364 overseas Filipinos sa Israel na mga rehistradong botante.Sa bilang na ito, 7,871 o 59% ang bumoto. Jocelyn Tabangcura-Domenden