Home METRO Indian national todas sa ratrat ng tandem sa Bulacan

Indian national todas sa ratrat ng tandem sa Bulacan

Bulacan- Dead on the spot ang 23-anyos na Indian national na lulan ng motorsiklo matapos pagbabarilin ng hindi nakilalang riding-in-tandem sa bayan ng San Miguel.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Gunwinder Singh, kasalukuyang naninirahan sa Brgy. San Jose.

Ang rider na suspek ay nakasuot ng gray pants at black jacket habang ang backrider ay nakasuot ng orange short pants lulan ng Yamaha Sniper.

Sa report, naganap ang insidente bandang alas-9:11 ng gabi nitong Hunyo 27 sa Brgy. Camias sa nasabing bayan.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, nang huminto ang biktima sa nasabing lugar ay biglang dumating ang motorcycle tandem hanggang pagbabarilin siya na agad niyang ikinamatay.

Sinasabing tinangay ng mga suspek ang gamit na motorsiklo ng biktima sa kanilang pagtakas patungo sa direksyon sa Norte.

Agad nagsagawa ng follow-up operation ang pulisya sa naturang insidente. Dick Mirasol III