INDIA – Lumapag na sa buwan ang Indian spacecraft na Chandrayaan-3 nitong Miyerkules, Agosto 23.
Ang naturang misyon ay napaka-importante sa lunar exploration at standing ng India sa space power.
Kasabay nito ay umani ng samu’t saring suporta mula sa mga mamamayan ng India ang naturang tagumpay, kung saan tinutukan ito sa iba’t ibang telebisyon at nag-alay din ng panalangin sa matagumpay nitong paglapag.
Ang Chandrayaan-3 spacecraft ay lumapag sa lunar south pole, sinabi ng Indian Space Research Organization (ISRO).
Ito na ang ikalawang attempt ng India na makapagpalapag ng spacecraft sa buwan.
Nangangahulugan ang salitang “Chandrayaan” na “moon vehicle” sa salitang Hindi at Sanskrit.
Noong 2019, matagumpay na napakawalan ng Chandrayaan-2 mission ang orbiter ngunit ang lander nito ay bumagsak.
Inaasahang mananatiling functional ang Chandrayaan-3 sa susunod na dalawang linggo, kung saan magsasagawa ito ng experiments kabilang ang spectrometer analysis sa mineral composition ng lunar surface.
“Landing on the south pole [of the moon] would actually allow India to explore if there is water ice on the moon. And this is very important for cumulative data and science on the geology of the moon,” pahayag ni Carla Filotico, partner at managing director sa consultancy SpaceTec Partners. RNT/JGC