Home METRO Indiano nagnakaw ng trak sa Tarlac

Indiano nagnakaw ng trak sa Tarlac

MANILA, Philippines – Inaresto ng pulisya ang isang Indian national na itinuturong suspek sa pagnanakaw ng isang dump truck sa Camiling, Tarlac.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Ropinder Singh, 27-anyos.

Sa impormasyon, ninakaw nitong Martes, Mayo 16 ang Isuzu dump truck na pagmamay-ari ni Elpidio Dela Cruz habang nakaparada sa tirahan nito sa Barangay Palimbo-Caarosipan.

Nang ikasa ang follow-up operation sa kaparehong araw ay doon na natagpuan ng pulisya ang truck.

“[The] truck was located at Barangay Tambugan of that town in the possession of Ropinder Singh (Indian name), also known as Jaani Singh (Philippine name), 27 years old, Indian national and presently residing at Kawili Oligario, Mangatarem, Pangasinan,” ayon sa pulisya.

Dinala na si Singh at ang ninakaw na sasakyan sa Camiling police station para sa tamang disposisyon. RNT/JGC

Previous articleLakers babawi sa Game 3
Next articlePBBM tahimik lang sa isyu ng Speakership

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here