Home SPORTS Indonesia nangungjuna, PH nasa ika-5 puwesto sa ASEAN Para Games

Indonesia nangungjuna, PH nasa ika-5 puwesto sa ASEAN Para Games

PHNOM PENH, Cambodia – Nagpatuloy ang Indonesia sa nangingibabaw nitong performance sa Day 2 ng 12th ASEAN Para Games para manatili sa tuktok ng medal standings dito.

Nakakolekta ang defending champion ng 63 golds, kabilang ang 33 sa athletics competition sa Morodok Techo Stadium noong Lunes, 49 silvers at 32 bronzes.

Nakakuha ang Thailand ng 19 na gintong medalya na nagmula sa athletics (9), table tennis (4), swimming (3), powerlifting (2) at judo (1) para manatili sa ikalawang puwesto na may kabuuang 34 na ginto, 41 pilak at 23 tansong medalya .

Ikatlo ang Vietnam na may 29 golds, 26 silvers at 39 bronzes, habang ang Malaysia ay nasa ikaapat na may 23 golds, 17 silvers at 13 bronzes.

Ang swimming at athletics ay naghatid ng tig-dalawang ginto para sa Pilipinas, na nanatili sa ikalima na may 12 ginto, 16 pilak at 17 tanso.

Pang-anim ang Myanmar na may kabuuang anim na ginto, siyam na pilak at limang tanso na sinundan ng Singapore (4-7-6), Cambodia (3-9-11), Timor Leste (2-0-3), Brunei (1-0). -1) at Laos (0-1-4).

Samantala, 77 ginto ang taya sa Martes na nagmumula sa athletics (24), swimming (29), table tennis (10), powerlifting (8), boccia (5) at judo (1).

May kabuuang 177 ginto, 174 pilak at 153 tansong medalya ang naigawad sa kaganapang pinaunlakan ng Cambodia sa unang pagkakataon.JC

Previous articleNBA: LeBron nire-recruit ni Irving sa Dallas
Next articleP550M inilaan sa RoRo terminal project sa Sorsogon port