Home METRO Indyano ninakawan; 5 timbog

Indyano ninakawan; 5 timbog

113
0

MANILA, Philippines – Arestado ng mga pulis ng Valenzuela City ang limang lalaki na sakay ng tatlong motorsiklo, na sinasabing sangkot sa insidente ng robbery hold-up sa harap ng isang sari-sari store sa Barangay Dalandanan, Valenzuela City, bandang 1:00 p.m. noong Lunes, Pebrero 6.

Kinilala ni Valenzuela City police chief Col Salvador S Destura Jr, ang mga naarestong suspek na sina Jonathan Saavedra, 21, residente ng Tinajeros, Malabon City, driver ng puting Yamaha Nouvo motorcycle; John Paul Alquizalas, 23, residente ng Panghulo, Malabon City, back ride na pasahero ng Saavedra; Onnasis Garcia, 41, residente ng Caloocan City, driver ng pula at itim na Honda Click motorcycle; Arnel Alquizalas, 21, residente ng Panghulo, Malabon City, driver ng yellow Rusi motorcycle; isang child in conflict with the law (CICL), 17, ALS student, residente ng Tinajeros, Malabon City, back ride na pasahero ng Alquizalas.

Ayon kay PCpt Robin Santos, hepe ng Station Investigation and Detective Management Branch, bumunot ng baril si John Paul Alquizalas, nagdeklara ng hold-up at ninakawan si Sukhdev Singh, 38, Indian national, residente ng Barangay Dalandanan, Valenzuela City.

Napilitang iabot ng biktima ang P5,500 cash at susi ng motorsiklo habang si Saavedra ay sakay ng kanilang motorsiklo na nakaparada sa tapat ng nasabing tindahan. Mabilis na tumakas ang dalawang suspek patungo sa A. Marcelo St., Dalandanan, Valenzuela City.

Nang araw ding iyon, agad na isinagawa ang follow-up operation ang kapulisan at nagresula sa pagkakaaresto sa mga suspek.

Lahat ng mga naarestong suspek ay positibong kinilala ng mga saksi.

Narekober ang mga baril at patalim sa mga ito. (Merly Iral)

Previous articleObrero, 2 pa arestado sa Malabon buy-bust
Next articleInstitusyonalisasyon ng PNG oks sa Commission of Appropriation