Home HOME BANNER STORY Inflation inaasahang tataas ngayong buwan – economist

Inflation inaasahang tataas ngayong buwan – economist

MANILA, Philippines – Posibleng bahagyang tumaas ang headline inflation sa bansa ngayong Agosto dahil sa pagtaas ng presyo ng petrolyo at bigas.

Ayon kay Rizal Commercial Banking Corporation chief economist Michael Ricafort, inaasahang papalo sa 5% ang inflation sa buwan ng Agosto mula sa 4.7% noong Hulyo.

“Main catalysts for inflation [include] higher local palay and rice prices, as world rice prices among 15-year highs recently partly due to warmer weather in some ASEAN (Association of Southeast Asian Nations) countries that produce or export rice, resulting in reduced rice exports,” ani Ricafort.

Nagdulot ng pagtaas sa presyo ng ilang produkto ang northern at central Luzon na pangunahing producers ng bigas, mais, mga gulay at iba pang agricultural products.

Idinagdag din ng ekonomista na ang mas mataas na inflation ay dulot din ng pagtaas ng lokal at global oil prices.

Nauna nang sinabi ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na ang average inflation rate ngayong taon ay nagbago sa 5.5% mula 5.6%.

Ang average inflation forecast para sa 2024 ay binago rin sa 3.3% mula sa naunang 2.8% na pagtaya, habang ang 2025 projection naman ay nasa 3.4%. RNT/JGC

Previous articleKasal ni Lovi sa London, ngayong araw na!
Next articleBigas ‘most critical problem’ ng Pinas– PBBM