A vegetable vendor tends to her store at a public market, ahead of New Year celebration, in Manila, Philippines, December 30, 2022. REUTERS/Lisa Marie David
MANILA, Philippines- Mahigit kalahati ng mga Pilipino ang nagsabing inflation ang “most urgent national concern” na dapat resolbahin ng pamahalaan, ayon sa OCTA Research nitong Lunes.
Batay sa trend, ang porsyento ng mga Pilipinong nangangamba sa pagtaas ng inflation ay tumaas mula 52% noong 2022 sa 57% nitong 2023.
Binanggit ng OCTA na karamihan sa mga Pilipino na naninirahan sa Visayas ang nagsabing “less concerned” sila sa pahkontrol ng pagtaas ng presyo ng bilihin at serbisyo, kung saan 46% lamang ang nagsabing ito ay urgent concern.
Sa National Capital Region at sa Mindanao, anim sa 10 residente ang nagsabing ang pagtaas ng presyo ng bilihin at serbisyo ay dapat na prayoridad ng gobyerno.
Sinundan din ng pagdadagdag ng sahod ng mga manggagawa (45%) at abot-kayang pagkain gaya ng bigas, gulay, at karne (44%) ang pangunahing alalahanin ng Filipino adults.
Samantala, 5% lamang ng mga Pilipino ang nagsabing ang pagkontrol sa pagkalat ng COVID-19 ay urgent concern mng pamahalaan. Ito ang most urgent national concern noong 2021 sa 43%.
Gayundin, nakakuha ang charter change ng 1% ng mga Pilipino nagsabing ito ay urgent national concern. RNT/SA