Home HOME BANNER STORY Inflation rate umarangkada sa 3.9% noong Mayo – PSA

Inflation rate umarangkada sa 3.9% noong Mayo – PSA

MANILA, Philippines- Patuloy ang pagsirit ng presyo ng “consumer goods at services” sa Pilipinas para sa ika-apat na sunod na buwan noong Mayo.

Ito’y sa gitna ng mabilis na pagtaas ng ‘utility at transportation costs’ sa nasabing panahon.

Ayon kay National Statistician at Philippine Statistics Authority (PSA) chief Claire Dennis Mapa, ang inflation o ang pagtaas ng presyo ng mga kalakal at serbisyo, tumaas sa 3.9% noong Mayo mula sa 3.8% rate noong Abril.

Ito ang “fastest inflation reading” ngayong taon at pinakamabilis sa loob na anim na buwan nang pumalo ang inflation rate sa 4.1% noong Nobyembre 2023.

“May’s print is slower compared to the 6.1% rate recorded in May 2023. Last month’s inflation print brought the year-to-date inflation rate to 3.5%, still within the government’s target band of 2% to 4%. It also fell within the Bangko Sentral ng Pilipinas’ (BSP) projection range of 3.7% to 4.5%,” ayon sa ulat.

Samantala, inaasahan naman ng BSP ang average inflation na makababalik sa target range para sa buong taon ng 2024 at 2025.

“The risks to the inflation outlook continue to lean toward the upside. Possible further price pressures are linked mainly to higher transport charges, elevated food prices, higher electricity rates, and increase in global oil prices,” ayon sa BSP.

“Ang pangunahing dahilan ng mas mataas na antas ng inflation nitong Mayo 2024 kaysa noong Abril 2024 ay ang mas mabilis na pagtaas ng presyo ng Housing, Water, Electricity, Gas and Other Fuels sa antas na 0.9%. Ito ay may 56.8% share sa pagtaas ng pangkalahatang inflation sa bansa,” wika ni Mapa.

Sinasabing sa partikular, nakita ang pagtaas ng presyo sa liquefied petroleum gas (LPG) sa 9.% mula 8.3% (month-on-month) habang nakita naman ang pagbaba ng presyo sa elektrisidad sa -8.5% mula sa -11% noong Abril.

Ang pangalawang commodity group na nakapag-ambag sa mabilis na May inflation print ay ang transportasyon na may 3.5% rate mula 2.6% (month-on-month), at share na 43.2% sa overall inflation acceleration sa panahon ng nasabing buwan.

“Ang nag-ambag ng malaki sa pagtaas ng inflation ng Transport ay ang mas mabilis na pagtaas ng presyo ng mga gasolina, na may 5.2% inflation; at diesel, na may 7.2% inflation,” paglalahad ni Mapa.

Nakadagdag pa sa “pressure” ng Transport index ang pagtaas sa passenger transport sa karagatan na 1.5% mula -23.3%.

Hinggil naman sa Food inflation, nasubaybayan ang galaw ng food items sa “basket” karamiwang binibili ng pamilya, bumagal sa 6.1% noong Mayo mula sa 6.3% noong Abril.

“The slower food inflation in last month was mainly brought about by the slower year-on-year increase in vegetables, tubers, plantains, cooking bananas and pulses index at 2.7% from 4.3% in the previous month,” ayon sa ulat.

Sumunod dito ang bigas na bumagal sa 23% mula sa 23.9% noong Abril.

Nakapag-ambag din ang isda at iba pang seafood sa pagbaba sa 0% inflation rate noong Mayo mula sa 0.4% noong Abril.

“Higher growth rates, however, were seen in the meat prices at 1.6% from 1% month-on-month; while ready-made foods and other food products rose to5.3% from 4.8% in April,” ayon sa ulat.

“The government will continue to implement lasting policy reforms to ensure we address the drivers of food and non-food inflation sustainably. We want to maintain a macroeconomic environment conducive to investment and high-quality job creation — an environment that would allow us to hit the Marcos Administration’s development targets by 2028,” ayon kay National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan.

“To help manage food inflation, promote policy stability and investment planning, and enhance food security, the NEDA Board has agreed to reduce the rice duty rate to 15 percent from 35 percent for both in-quota and out-quota imports until 2028,” patuloy ng opisyal. Kris Jose