MANILA, Philippines – Kasabay ng inaasahang pagtaas ng benchmark interest rates ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ng hanggang 50 basis points (bp) o 0.5 percentage point (PPT) sa susunod na linggo, inaasahan din na hindi pa tapos ang pagtaas sa presyo ng mga produkto at serbisyo.
Sa komentaryo, sinabi ng New York-based think tank GlobalSource Partners na nagdulot ng 14-year high 8.7% na inflation noong Enero ang malakas na 1.7% na month-on-month na pagtalon sa consumer prices.
“Perhaps most concerning for monetary authorities is the relatively sharp 7.4 percent year-on—year rise in core inflation, revealing rising demand side price pressures,” ani Romeo Bernardo, analyst ng GlobalSources sa Pilipinas.
Ani Bernardo, sa kabila ng pagpapalawig pa sa pinababang taripa sa mga pangunahing produkto katulad ng karne, mais, bigas at coal, posible pa ring tumaas ang inflation rate.
“As it is, the current momentum will likely see the headline inflation rate continue to trek up and bring the average inflation rate for the year to around 7 percent, much higher than our previous 4.8 percent forecast,” aniya.
Upang mapahupa ang inflation, may consensus ang BSP na patuloy itong magtataas ng policy rate na sa kasalukuyan ay nasa 5.5% at ang tanging katanungan na lamang ay kung gaano kalaki ang itataas nito batay sa magiging usapan sa pagpupulong ng
Monetary Board sa Pebrero 16.
“With January inflation surprising on the upside and expected to raise inflation expectations, a minimum 25 bp [0.25 ppt] increase in domestic policy rates looks guaranteed at the moment,” sinabi pa ni Bernardo. RNT/JGC