MANILA, Philippines – Sinabi ng Department of Health (DOH) na ang kaso ng influenza-like illness sa taong ito ay 45% na higit pa kaysa sa mga nakarehistro sa parehong panahon noong 2022.
Ayon sa DOH, 151,375 na kaso ng ILI ang naitala noong Oktubre 13. Sa parehong panahon noong 2022, ang bansa ay may 104,613.
Gayundin, sa nakalipas na 3-4 na linggo mula Setyembre 3 hanggang 16, 2023, tumaas ang mga kaso ng ILI ng 26% kumpara sa mga naiulat na mga kaso dalawang linggo na ang nakalipas, sabi ng DOH.
Nauna nang kinumpirma ng DOH na tumataas ang kaso ng influenza at COVID-19 dahil sa pagbabago ng temperatura sa panahon ng tag-ulan.
Inaasahan na umano ang pagtaas ng mga impeksyon sa nakakahawang sakit sa panahon ng tag-ulan at mas malamig na buwan “dahil sa paglaganap ng mga virus.”
Sinabi ng DOH na nagpapatupad sila ng “mahigpit” na pagsubaybay sa mga kaso dahil inaasahang tataas pa ang mga kaso ng ILI sa mga susunod na buwan.
“Higher number of cases in 2023 compared to the previous year is observed in most diseases under surveillance which could be attributed to the efforts in strengthening the surveillance for the other diseases as we shift our focus from COVID-19,” sabi pa ng DOH. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)