Home HOME BANNER STORY Infra damage dulot ng Mindanao floods, landslides P2.6B na – NDRRMC

Infra damage dulot ng Mindanao floods, landslides P2.6B na – NDRRMC

MANILA, Philippines- Sumampa na sa P2 bilyon ang halaga ng pinsala sa imprastraktura kasunod ng pagbaha at landslide incidents sa Mindanao, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Sa situational report nito hanggang ala-8 ng umaga nitong Sabado, sinabi ng NDRRMC na ang tinatayang halaga ng pinsala sa imprastraktura sa Regions 10, 11, at CARAGA ay pumalo na sa P2,627,027,756.

Pinakaapektado ang CARAGA na nagtamo ng P2,361,409,631 halaga ng pinsala.

Gayundin, may kabuuang 4,822 napinsalang tahanan ang naiulat sa mga nasabing rehiyon.

Nananatili naman sa P558 milyon ang pinsala sa agrikultura.

Sa Maco, Davao de Oro 98 indibidwal na ang kumpirmadong patay sa landslide habang 22 ang nasawi sa pagbaha.

Nananatili sa mahigit 471,000 ang bilang ng mga pamilyang apektadi ng sanib-pwersang epekto ng Northeast Monsoon at ng trough ng low pressure area (LPA), mula sa Regions 10, 11, 12, CARAGA at BARMM.

Sa bilang na ito 4,007 pamilya o 14,851 indibidwal ang lumikas sa 63 evacuation centers at 68,857 pamilya o 173,805 katao ang piniling tumuloy sa labas ng evacuation centers.

May kabuuang P267,321,100.43 halaga ng tulong ang naipamahagi na sa Regions 10, 11 at CARAGA. RNT/SA

Previous articlePinas nanawagan ng kapayapaan sa Ukraine
Next articleComelec nakipagpulong sa Manila LGU: Mga botanteng senior dapat may acknowledgement receipt