Home METRO Infra damage sa Amihan, LPA lampas P1B na

Infra damage sa Amihan, LPA lampas P1B na

MANILA, Philippines- Umabot na sa P1.2 bilyon ang pinsala sa imprastraktura dahil sa epekto ng northeast monsoon (amihan) at ng trough ng low pressure area na nagpaulan sa Mindanao, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Martes.

Malaking bahagi ng pinsala ay natamo ng Davao (P933 milyon) at Caraga (P265.6 milyon) regions, batay sa pinakabagong situation report ng ahensya.

Pumalo naman ang agricultural damage sa P558.2 milyon sa dalawang rehiyon.

Sumampa naman ang death toll sa 22, lahat ay mula sa Davao region na sumasailalim pa sa beripikasyon, base sa NDRRMC.

Sinusuri rin ng ahensya ang ulat ng 11 sugatan at dalawang nawawalang indibidwal.

May kabuuanh 1,762 kabahayan naman ang nasira sa Northern Mindanao, Davao at Caraga, dagdag nito. RNT/SA

Previous article14 Pinoy repats galing Gaza darating sa Pinas sa Peb. 21
Next articleTelemedicine app para sa mga PDL inilunsad ng DOJ