Home NATIONWIDE Infra damage sa baha, landslide sa Mindanao lampas P1B na

Infra damage sa baha, landslide sa Mindanao lampas P1B na

MANILA, Philippines – Lampas P1 bilyon na ang halaga ng pinsala sa imprastruktura dahil sa mga pagbaha at landslide sa Mindanao, sinabi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Miyerkules, Pebrero 21.

Sa pinakabagong report, sinabi ng NDRRMC na iniulat ang P1,198,653,314 halaga ng pinsala sa imprastruktura sa Davao at Caraga.

Iniulat din sa dalawang rehiyon ang P558,254,553 halaga ng pinsala sa agrikultura.

Nasa kabuuang 1,762 tirahan ang napinsala, 1,011 ang partially at 751 ang totally damaged.

May kabuuang 1,567,339 katao naman o 471,819 pamilya ang apektado ng masamang panahon sa Northern Mindanao, Davao, Soccsksargen, Caraga, at Bangsamoro.

Sa apektadong populasyon, 15,407 katao o 4,147 pamilya ang tumutuloy pa rin sa 64 evacuation centers, habang 174,074 indibidwal o 69,025 pamilya ang tumutuloy sa ibang lugar. RNT/JGC

Previous articleDistribusyon ng AICS payout sa Maynila, pinangunahan ni Lapid
Next articleMga dayuhang mangingisda na gumagamit ng cyanide, pananagutin ng DOJ