Home NATIONWIDE Infra flagship projects ni-revamp ng gobyerno

Infra flagship projects ni-revamp ng gobyerno

MANILA, Philippines – INALIS ng economic team ng administrasyong Marcos ang 36 infrastructure flagship projects (IFPs) subalit nagdagdag naman ng 23 na bagong proyekto sa ilalim ng Build Better More program.

Binawasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang chairman ng National Economic and Development Authority (NEDA) board ang bilang ng IFPs kung saan mula sa 198 proyekto na nagkakahalaga ng mahigit sa P8 trillion ay ginawa na lamang ito ng 185 proyekto na may total value na P9.14 trillion.

Gayunman, nilinaw ni NEDA Secretary Arsenio M. Balisacan na ipatutupad pa rin ang ilang proyekto na inalis sa listahan.

Ang katuwiran ni Balisacan, bahagi na kasi ang mga proyektong ito sa regular na programa ng pamahalaan.

Aniya, ang ginawang ‘delisting’ o pag-alis sa listahan ng ilang proyekto ay naglalayong iprayoridad ang mahahalagang proyekto upang matiyak na makakukuha ang mga ito ng kinakailangan suporta para sa episyente at mabilis na implementasyon.

“Our list of IFPs under the Build-Better-More Program serves as a prioritization tool to identify high-impact infrastructure projects that require immediate government support. By rationalizing the list, we ensure the implementation of as many important infrastructure projects of high significance as possible,” ayon pa rin kay Balisacan, vice chair ng NEDA board.

“We will continue to monitor, review, and update the list of IFPs as necessary to prioritize the most important infrastructure projects. The NEDA Board is committed to approving measures needed to expedite the implementation of the Build-Better-More Program,” dagdag na pahayag nito.

Napaulat na, sa fourth quarter noong nakaraang taon, 74 na IFPs ang naipatupad, 30 ang inaprubahan para sa implementasyon, 10 ang naghihintay ng go signal ng pamahalaan at 83 ang sumasailalim sa project o pre-project preparation.

Sinabi ni NEDA Undersecretary Joseph J. Capuno, sa 74 na proyekto, may 19 ang naka-iskedyul na matatapos ngayong taon kabilang na ang Southeast Metro Manila Expressway Project.

Inaprubahan din ng NEDA board ang isa pang loan na P14.6 billion para sa Davao City Bypass construction, na may kabuuang halaga na P70.8 billion.

Ang project implementation ay pinalawig ng hanggang Disyembre 31, 2027 kasunod ng mga pagbabago.

“This decision came after reassessing the expanded scope of the project and post-pandemic market conditions considering that the board first approved the project in 2015, ayon sa NEDA.

“While this project was first approved by the NEDA Board in 2015, its implementation was hampered by the pandemic. The changes in the project scope and cost will ensure that this key infrastructure project receives the necessary support for its successful completion,” ang wika ni Balisacan.

Samantala, nakatakda namang mabawasan ang travel time ng 45.5-kilometer bypass road sa pagitan ng Davao City at Panabo City sa Davao del Norte mula 2 oras at 49 minuto sa oras na makompleto na.

Kinumpirma rin ng economic team ang Integrated Water Resources Master Plan (IWMP) pangungunahan ng Water Resources Management Office ng Department of Environment and Natural Resources.

Ang IWMP ay magsisilbi bilang komprehensibong national policy para masiguro ang access sa sapat na suplay ng tubig kahit na anong oras partikular na sa panahon ng masamang kondisyon ng panahon gaya ng El Niño.

“We prioritize infrastructure development as a key driver of our economy to improve the lives of every Filipino. While significant policy reforms have already been put in place to address long-standing constraints to sustainable and resilient infrastructure, we recognize the need for further efforts to boost infrastructure investment and execution. Thus, we will closely monitor our infrastructure flagship projects to ensure they are completed and delivered on time,” ang litaniya ni Balisacan. Kris Jose

Previous articleDibidendo ng MP2 savings tumaas sa 7.05%
Next articleEmployability ng senior high grads sisiguruhin ng TESDA, DepEd, ChEd, DOLE