MANILA, Philippines – Tumaas sa mahigit P5 bilyon ang infrastructure allocation sa ikaapat na distrito ng Leyte ngayong taon mula sa dating P2.68 bilyon.
Ayon kay Leyte 4th District Rep. Richard Gomez nitong Biyernes, Hulyo 7, nasa P5.77 bilyon ang kabuuang badyet sa imprastruktura ngayong taon na layong pondohan ang 106 proyekto. 10 dito ang nakumpleto na.
Nasa pitumpung proyekto naman ang nagpapatuloy at 24 ang magsisimula pa lang.
Kabilang dito ang mga access roads, tulay, flood control structures, water systems, multi-purpose buildings, drainage systems, road widening, bridge expansion, at maintenance ng mga tulay at kalsada.
“The budget for each congressman is just minimal. We must find ways to finance our needed projects in the district,” anang mambabatas.
Makatatanggap ng alokasyon para sa infrastructure development ang Ormoc City at anim na bayan ng congressional district nito, ang Albuera, Kananga, Matag-ob, Palompon, Merida, at Isabel. RNT/JGC