Home OPINION INGGIT (part 2)

INGGIT (part 2)

HINDI ka ba nagtataka kung bakit paminsan-minsan tayong nagsentimiyento? Kung sakaling meron, may issue tayo sa inggit. Maaaring ‘di natin matanggap o hindi natin namamalayan na naiinggit na tayo sa ibang tao. Akala natin normal lang ang pakiramdam na ito, hanggang sa hindi mo napapansin na may namumuong resentment sa loob mo, depressed ka, ungrateful and stressed.

Bakit nga ba may mga taong naiinggit? Ano nga ba ang ugat ng pagkainggit? Ito ang ilan sa mga maaaring dahilan:

NAPAGKAITAN. Maaaring deprived tayo sa maraming ba­gay lalo noong bata pa tayo. Deprived hindi lang sa mga gusto natin pero mismo sa mga pangangailangan. Kaya kapag nakikita natin ang ibang tao na nakukuha ang gusto nila, hindi natin maiwasan ang mainggit.

MAPAGKUMPARA. Lagi na lang kinukumpara ang sarili sa iba. Kung anong meron yung iba, gusto nya meron din sya. Kung ano yung narating ng iba, gusto rin natin. Kung magpakalbo ba yung iba, gagayahin din ba natin? Hindi matapos-tapos ang pagkukumpara ng sarili sa iba kaya ang ending ay walang hanggang pagkainggit.

HINDI KUNTENTO. Laging mapaghanap at mapagtanong. Marami siyang mga ‘bakit’ sa buhay nya. Minsan ay blinded tayo ng mga bagay na wala sa atin kaya hindi natin makuhang ma-appreciate kung ano man ‘yung meron tayo.

UNGRATEFUL. Sabi nga ng isang awitin, “Count your bles­sings. Name them one by one.” Gaya ng nabanggit ko kanina, hindi tayo makuntento dahil hindi tayo marunong magpasa­lamat. Kung susubukan nating tignan at bilangin ang mga pagpapala na meron tayo baka kulang ang isang araw para ilista ang lahat ng ito. Kung magiging grateful tayo, sigurado akong walang magiging puwang ang inggit sa puso at isip natin.

There are so many things to be thankful and grateful for. Naiinggit ba tayo sa kaopisina natin na napakaganda at napaka-expensive ng sapatos, samantalang tayo sa tiangge lang nabili ang sapatos natin. Hindi pa ba natin nakikita na mapalad tayo kaysa sa iba dahil may mga taong pinanganak na walang mga paa.

Anuman ang dahilan o ugat ng iyong pagkainggit, gusto kong sabihin sa’yo na meron tayong choice. Pwede naman ta­yong hindi mainggit kung gugustuhin natin. Tayo lang ang ta­nging makatutulong sa sarili natin para mapaglabanan natin ang struggle sa pagiging inggitero’t inggitera.

Simulan natin huwag magkumpara, matuto tayong makuntento, mag-focus at higit sa lahat ugaliing laging magpasalamat.

THINK, REFLECT, APPLY. Ano sa tingin mo ang dahilan kung bakit ka naiinggit?

Nasubukan mo na bang bilangin ang mga seen and unseen blessings mo?

Natuto ka na bang magpasalamat?

Inggit ay isa sa mga mapanirang damdamin na maaaring tag­layin ng isang tao laban sa kanyang kapwa. Ito ang nagtutulak sa kanya upang magnais ng masama sa iba. Gayundin, siya ay nakadarama ng ligaya kapag ang kasawiang-palad ay duma­ting sa kanyang kapwa. Ito ay isang sakit ng puso at ito ay nagdudulot ng karumihan sa puso.

Previous articleLotto Draw Result as of | December 22, 2023
Next articleSALAMAT SA PAGKILALA, SUPORTA