ILOCOS SUR – Patay ang isang Engineer matapos pagbabarilin sa Brgy. Guimod Norte, San Juan ng lalawigang ito kagabi, Pebrero 4.
Kinilala ng San Juan Municipal Police Station ang biktima na si Ronald Pano y Baclig, 54, may asawa, residente ng Brgy. Pandayan ng naturang bayan.
Bukod sa pagiging engineer, ang biktima ay isa rin negosyante.
Sa initial report na inilabas ng San Juan MPS, ang biktima ay nakasakay sa kanyang Ford Everest at papunta umano sa kanilang resort sa Brgy. Guimod Norte nang pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek o mga suspek.
Isinugod sa ospital ang biktima ngunit idineklarang dead-on-arrival ng umatending doktor.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng San Juan MPS para alamin kung ano ang motibo sa krimen at tukuyin kung sino o sino-sino ang mga salarin. Rolando S. Gamoso