MANILA, Philippines – Umabot na sa 1.366 milyong certificates of candidacy (COC) para sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections ang natanggap ng Commission on Elections (Comelec) hangang nitong Linggo ng hapon, Setyembre 3, sinabi ni Comelec Chairman George Garcia.
Tuloy naman ang pagtanggap ng COC ang Comelec, para sa mga kandidato sa National Capital Region at Abra matapos masuspinde ang trabaho noong nakaraang linggo dahil sa bagyo.
Sinabi ni Garcia na nakikita nilang aabot sa kabuuang 1.450 milyon hanggang 1.5 milyong COC ang ihahain sa pagtatapos ng araw.
“672 positions ang paglalabanan, ang prine-predict po natin baka abutin ng 1.450 hanggang 1.5 million hanggang ngayong araw na ito,” sabi ni Garcia.
Nagsimula ang COC filing noong Agosto 28 at dapat sanang matapos nitong Setyembre 2 ngunit pinalawig sa ibang lugar hanggang ngayong araw, Setyembre 4 dahil sa bagyo.
Itinakda ang BSKE sa Oktubre 30. Jocelyn Tababgcura-Domenden