Home NATIONWIDE Inihintong lotto livestream ipinagtanggol ng PCSO: ‘Bahagi ng procedure’

Inihintong lotto livestream ipinagtanggol ng PCSO: ‘Bahagi ng procedure’

MANILA, Philippines – Mahigpit na ipinagtanggol ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) on nitong Lunes, Marso 18, ang suspensiyon ng e-livestream sa isang lotto draw habang kinukumpuni ang nasirang makina na pawang bahagi ng procedures ng ahensiya.

Sa kanyang pagdalo sa ginanap na imbestigasyon ng Senado hinggil sa kaduda-dudang pagkapanalo ng sunod-sunod sa lotto draw na umabot sa mahigit P2 bilyon simula nitong Disyembre, ipinaliwanag ito ni PCSO Assistant General Manager for Product Development and Marketing Sector Arnel Casas hinggil sa “minor glitch sa February 27 draw para sa 3D (three-digit) Swertres Lotto game.

“It is part of our procedure that after announcing that we have this machine malfunction, we will put the broadcast on standby and then we will broadcast again, recapping ‘yung recorded video during the alternate draw procedure,” ayon kay Casas sa Senado.

Sinabi ni Senador Raffy Tulfo, chairman ng Senate panel na dapat ipinakita ng PCSO nang live ang pagkukumpuni ng makita pagkatapos ng sinasabi nitong “glitch” na dapat malaman ng publiko.

“Next time, ‘pag may glitch na nangyari na ganon, nagkaron ng malfunction, kailangan ‘wag kayo mag-off air, continuous sa pagbobola live…. Kasi the more na kayo po ay nagtatago, para sa akin, parang nagtatago kayo because nag-off air kayo, the more magdududa ‘yung taumbayan,” aniya.

“Sana wala nang mangyaring next time. We want to see it live how is it being fixed, anong klaseng remedyo ang ginawa niyo,” giit pa niya.

Ayon kay Casas, pinapahusay ng PCSO ang draw procedures nito alinsunod sa itinakdang ISO-approved protocols.

“There is a provision for continual improvement sa ISO namin and with that recommendation, we will include po,” aniya.

Aniya, umabot na sa mahigit apat o hanggang limang beses nagkaroon ng glitch sa lotto draw simula noong 1995.

Naunang inihayag ni PCSO General Manager Mel Robles na hindi unang insidente ang naganap na glitch nitong February 27 saka Tiniyak na nakahanda ang ahensiya sa ngaiong insidente alinsunod na nabuong ISO-approved protocols.”

Naitala sa inisyal na draw ang winning combination na 1-9-7.

Pero, nahulog ang lotto ball sa una sa tatlong draw machines kaya napilitan ang PCSO na ipatupad ang sinasabi nito sa live program na “alternate procedures.”

Nakita ang ilang miyembro ngPCSO technical teaem na tinetesting ang bagong makina sa unang digit.

Pagkatapos mahint ng 15 minuto ang live stream, ginamit ang bagong makina upang bolahin ang unang numero ulit, at hindi na binago ang ikalawa at ikatlong numero.

Sinabi ni Robles na kaagad tumugon ang PCSO technical team at kaagad inayos ang problema sa paggamit ng “standby machine, na inaprubahan alinsunod sa ISO 9001:2015” Quality Management Systems procedures ng state firm. Ernie Reyes

Previous article34K parak ikakalat sa Oplan Semana Santa
Next article“Terror” teacher sa viral video pinatawag na ng DepEd