MANILA, Philippines – Nagsimula na ang Department of Trade and Industry (DTI) sa kanilang quality inspection sa mga Christmas lights at appliances habang papalapit na ang holiday season.
Sinuri rin ng kagawaran kung ang Noche Buena items ay ibinebenta ayon sa price guides ng gobyerno.
Nandoon rin si Senate committee on commerce, trade and entrepreneurship chairperson Senator Mark Villar sa inspeksyon sa mga pangunahing home improvement store at maliliit na negosyante sa Pasig City.
Ayon sa DTI, para masabing ligtas ang mga kagamitan dapat itong naaprubahan at may markang safe ay may mga holographic ICC sticker sa produkto na maaaring i-scan sa pamamagitan ng app ng departamento.
Habang ilalabas naman ang mga gabay sa presyo para sa Noche Buena items sa susunod na linggo.
Bagama’t may inaasahang mga mark-up ng presyo sa ilang mga item, tiniyak ng mga manufacturer na hindi ito mararamdaman ng mga mamimili. RNT