Home NATIONWIDE Institusyonalisasyon ng ilan pang PESO itinutulak ng DOLE, DILG

Institusyonalisasyon ng ilan pang PESO itinutulak ng DOLE, DILG

MANILA, Philippines- Sinisikap ng Department of Labor and Emnployment (DOLE) na ma-institutionalize ang natitirang 60 porsyento ng mga naitatag na Public Employment Service Offices (PESO) sa bansa.

Nakapaloob ang panukala sa memorandum of agreement na nilagdaan nina Labor Secretary Bienvenido Laguesma, Department of Interior and Local Government (DILG) Secretray Benjamin Abalos Jr., at ng Public Employment Service Office Managers Association of the Philippines (PESOMAP) president Luningning Vergara sa punong tanggapan ng labor department sa Manila nitong Peberro 20, ayon sa kagawaran nitong Huwebes.

Sa ilalim ng kasunduan, ang DOLE ay makikipagtulungan sa DILG at PESOMAP sa pagbibigay ng capacity development activities tungo sa PESO institutionalization.

Dapat din itong magtakda ng mga pamantayan para sa pagtatatag at pagpapatakbo ng PESO at tukuyin ang tungkulin at responsibilidad ng mga tauhan ng PESO sa pakikipag-ugnayan sa kinauukulang yunit ng pamahalaang lokal, ng Civil Service Commission (CSC) at ng Department of Budget and Management.

Dapat ding magsagawa ang DOLE ng periodic monitoring at reporting ng mga appointment sa PESO ng lokal na pamahalaan upang matiyak ang pagsunod sa mga pamantayan ng kwalipikasyon ng PESO na nakabalangkas sa CSC Memorandum Circular No. 20, serye ng 2019.

Dapat din nitong susubaybayan at susuriin ang pagganap ng mga PESO sa pamamagitan ng PESO Employment Information System at iba pang may katuturang monitoring at reporting platforms at magbigay ng feedback sa local chief executives.

Samantala, dapat magbibigay ang DILG ng pamantayan sa local government units sa establisimyento, operation at institutionalization ng PESOs.

Dapat din nitong hikayatin ang institusyonalisasyon ng mga PESO sa kani-kanilang local government units sa ilalim ng Social Protection and Sensitivity governance area ng Seal of Good Local Governance at tulungan ang local government units at kanilang PESO sa pagtataguyod ng trabaho sa loob ng kanilang nasasakupan.

Iniulat ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma na 40 porsyebto lamang ng 1,592 establisimyento ng PESO sa buong bansa ang institutionalized.

Sinabi ng kalihim na angestablisimyento ng institutionalized PESOs sa bawat lokalidad ay pinakamahalaga sa pagsasakatuparan ng Philippine Labor and Employment Plan (PLEP) 2023-2028, partikular sa pagpapalawak ng access sa trabaho at mga oportunidad sa trabaho para sa mga mangagawang Pilipino.

Sinabi naman ni Abalos na ang PESOs ay dapat institutionalized at matatag ang bawat local government unit sa buong bansa upang mapanatili ang mga pakinabang nito sa ekonomiya sa ilalim ng Marcos administration. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleMayorya ng mga Pinoy nakaranas ng epekto ng climate change – SWS survey
Next articleGuinness World Record para sa paghahain ng mahigit 300 pork dishes target masungkit ng PH hog farmers