MANILA, Philippines – NAGPAHAYAG ng kumpiyansa si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na maidedeklara ang Northern Samar bilang insurgency-free sa pagtatapos ng 2023.
Sa kanyang pagbisita sa Camp Sumoroy sa Catarman, Northern Samar, pinuri ni Pangulong Marcos ang Philippine Army’s 803rd Infantry Brigade (IBde) para sa kanilang pagsisikap na panatilihin ang kapayapaan at kaayusan sa lalawigan.
Nagpahayag din ito ng pag-asa na ang tropa ay magpapatuloy sa hangarin na lansagin ang communist rebel groups sa pagtatapos ng taon.
“I just received the briefing on the success rate sa ating pagbuwag, sa ating pag-dismantle ng mga front, pag-weaken ng mga ibang front. And I was also given a very encouraging deadline that masabi natin (we could say) that we will have dismantled all of the CTG (communist terrorist group) fronts by the end of the year and that is the result of your good work,” ayon sa Pangulo.
“From the progress being made in Northern Samar, we are looking forward to declaring that province clear of CTGs by the end of the year,” dagdag na pahayag nito.
Winika pa ng Pangulo na hindi na siya makapaghihintay pang muling bisitahin ang Northern Samar na ideklara na insurgency-free.
“it is already free from all forms of insurgencies,” aniya pa rin.
“And that will be a big, big blow to the enemy forces because they have always felt that Northern Samar is a place that they feel safe in,” dagdag na wika nito.
Ang 803rd IBde ay naging instrumental sa pagpapababa sa lakas ng mga rebelde sa rehiyon, kasama ng pagsuko ng mahigit sa 6,200 ng “sympathizers at personalities” at paglansag sa dalawang guerilla fronts sa Northern Samar.
Sa kabila ng mga accomplishments ng brigada, pinaalalahanan ni Pangulong Marcos ang mga sundalo na manatiling alerto at bigilante.
“You are still now in Northern Samar, on the front line. Kaya’t (So), do not let your guard down. Continue to do what you have been doing dahil (because), as I said, it has been successful, it has been effective and we can see that from the weakening of the enemy forces,” anito.
Hinikayat din ng Pangulo na i- step up ang kanilang counterinsurgency efforts para kumbinsihin ang mga rebelde para makabalik sa lipunan.
Muli namang tiniyak ng Pangulo sa mga rebelde na nais na mapasama sa lipunan na makatatanggap ng “full support at assistance” ng gobyerno.
“So, that is the plan. This is how we are going to move forward but this is all founded. It is all based on the continuing good work that you put in every day,” ang wika ni Pangulong Marcos.
Samantala, hinikayat naman ng Pangulo ang mga tropa na ituloy ang kanilang “close coordination” sa komunidad para masiguro ang tagumpay ng anti-insurgency campaign.
Muli namang nangako ang Pangulo na bigyan ang government troops ng lahat ng tools, equipment, at training na kailangan ng mga ito bilang bahagi ng pagsisikap ng pamahalaan na gawing modernisado ang Armed Forces of the Philippines hindi lamang sa internal security operations kundi para kontrahin ang posibleng “external threats.”
“We have seen…. the increase in the firearms that have been neutralized and also the personalities that have been neutralized. Let us continue that trend,” ayon sa Pangulo. Kris Jose