Home NATIONWIDE ‘Intense assault’ kay Romualdez sa PI, itinanggi ng Senado

‘Intense assault’ kay Romualdez sa PI, itinanggi ng Senado

MANILA, Philippines- Matinding itinanggi ng ilang senador ang nilalaman ng House resolution na dumedepensa kay House Speaker Martin Romualdez na nagsasabing may “intense assault” mula sa Senado sa isinagawang imbestigasyon sa pekeng peoples’ initiative.

Sinabi ni Senate President Juan Miguel Zubiri na wala itong sinasabing masasama laban sa sinumang miyembro ng Kamara dahil malaya ang lahat ng miyembro ng Senado na magsalita ng kanilang saloobin.

Katunayan, ayon pa kay Zubiri, siya mismo ang nagpahupa ng umiinit na sitwasyon sa gitna ng debate sa people’s initiative.

Aniya, tinutukan lamang ng imbestigasyon ng Senado ang lahat ng katotohanan sa pagsusulong ng people’s initiative .

“Kung feeling assaulted sila how? If the committee is just performing its duty, the committee of electoral reforms, they deal on facts. Very clear, The last two hearings, the facts have come out. The facts have been coming out whether it is for or against the topic at hand or the decisions at hand. So be it, but we are just dealing with facts,” ayon kay Zubiri.

Itinuturing naman ni Senador Jinggoy ang resolusyon na pawang “affront” sa Senado bilang institutiyon dahil hindi lumabag ang Senado sa prinsipyo ng interparliamentary courtesy at hindi nakikialam sa kanilang tungkulin.

“I don’t think we violated interparliamentary courtesy. Because we have always observed it from the very start and I think this resolution is an affront to the Senate as an institution,” ayon kay Estrada.

Sa kanyang bahagi, sinabi naman ni Senate Majority Leader Joel Villanueva: “It bothers me that our co-equal house, the House of Representatives will accuse the Senate of coming up with this so called intense attacks.”

Binatikos din ni Villanueva ang deadline na inilatag ng Kongreso na pagtibayin ang  Resolution of Both Houses No. 6.

“May isang salita ang mga senador. May isang salita. Hindi natin kailangan ‘yun. The fact that we see each other. Yung pagkamay natin sa isa’t isa, alam na natin. Meron na tayong pinagkaisahan. Meron na tayong pinagkasunduan,” aniya.

“I can’t say otherwise with the other chamber because and I think this is the root cause of the problem. I think the leader of the House is not sharing the information that was shared to us by our Senate President. Dun sa mga pag-uusap. Dun sa mga napag-usapan na dumating yung mga pagkakataon. Ilang beses, hindi sila tumupad sa pinag usapan. At ngayon, binibigyan pa tayo ng deadline nung isa kung sino man yun. Kung anong gagawin ng Senado. Tayo ba ay utusan dito?” ayon kay Villanueva.

“Tayo ba ay basta susunod na lamang kahit kanino? Mismong Presidente ng Pilipinas, hindi ko narinig na sinabihan ang ating Senate President. I was there during the meetings. Hindi ko kailanman narinig ang Pangulo ng Pilipinas at sabihin sa atin na ganito lang, dapat ganito yung timeline niyo, tapos na kayo, etc. We are even talking about the soul of our nation. I take offense as I join the gentleman from San Juan in raising this particular issue,” dagdag ni Villanueva.

Pinabulaanan din ni Senate Minority Leader Koko Pimentel  ang akusasyon ng Kamara, dahil mismong ito umano ang gumawa ng unparliamentary conduct nang akusahan ang Senado sa pag-iimbestiga nang walang legislative purpose. Ernie Reyes

Previous articleHornets tiniris ng Lakers
Next article47 players, opisyal, tinanggal sa MPBL