MANILA, Philippines – Itinaas ng Monetary Board ng 25 basis points papunta sa 6.5% ang interest rate simula Biyernes, Oktubre 27.
Ang nasabing hakbang ay target umano na pabagalin ang rate ng pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo.
Matatandaan na ang inflation ng bansa ay tumaas sa 6.1% noong Setyembre 2023 mula sa 5.3% noong nakaraang buwan.
Huling itinaas ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang policy rates sa 6.25% noong Marso 2023.
Nauna nang nagpahiwatig si BSP Governor Eli Remolona na maaaring magkaroon ng pagtaas ng rate sa Nobyembre.
Samantala, ang mga rate ng overnight deposit at lending facilities were ay tumaas din sa 6.0% at 7.0%, base sa pagkakasunod, mula sa 5.75% at 6.75%.
“The Monetary Board recognized the need for this urgent monetary action to prevent supply-side price pressures from inducing additional second-round effects and further dislodging inflation expectations,” ani Remolona.
“Before today’s monetary policy action, the staff risk-adjusted forecast for 2024 was 4.7 percent (from 4.3 percent previously). This is well above the government’s target range,” dagdag pa niya. RNT