Home OPINION INTERNATIONAL COFFEE DAY

INTERNATIONAL COFFEE DAY

ANG inyong Agarang Serbisyo Lady at ang paborito kong kape na NASH COFFEE na nasa iba’t ibang variants ng white coffee, aroma in taste, brown coffee, creamy white, at chocolatier, ay nakikiisa sa obserbasyon sa darating na October 1, 2023 bilang “International Coffee Day” sa pangunguna ng International Coffee Organization kung saan miyembro ang Philippine Coffee Board Inc. (PCBI).

Ang PCBI ay isang pribadong organisasyon na nagsimula noong May 2002 para isulong ang industriya ng kape sa bansa. Bagama’t nasa 80% ng ating populasyon o 92 million ay umiinom ng dalawa hanggang tatlong tasa bawat araw o 3.05 ki­lograms bawat taon ay 97% ng ating kape ay hinahango pa natin sa Vietnam dahil hindi sapat ang inaani sa ating bansa.

Sa buong mundo ay nasa ika-14 na puwesto ang Pilipinas sa bansang pinakamahilig magkape. Nangunguna ang mga bansang Luxembourg, Laos, Finland, Sweden, Norway, Iceland, East Timor, Austria, Denmark at Canada.

Nasa 11th hanggang 15th ang mga bansang Bosnia and Herzegovina, Switzerland, Germany, Pilipinas at ang Montenegro.
Umaabot sa 24.8 kgs. ang nauubos na kape bawat taon ng mga mamamayan ng Luxembourg, isang maliit na constitutio­nal monarchy country na napapagitnaan ng mga bansang Belgium, Germany at France.

Habang nasa 3.07 kgs. naman ang per capita consumption ng bansa. Nasa bottom three o pinakamahinang magkape ang mga bansang Ghana, Mauritania at India dahil sa kawalan ng pambili.
Ang Pilipinas ay ang “second largest consumer of coffee” sa buong Asia.

Malaki ang potensyal ng kape na makapagdulot ng trabaho sa mga magsasakang Pilipino. Nabibilang tayo sa tinatawag na “bean belt” o gitnang bahagi ng daigdig kung saan katamtaman ang lamig at init ng panahon.

Ang Lipa City, Batangas ang siyang kinikilala bilang “coffee granary” ng bansa, popular din ang kape buhat sa Amadeo, Cavite, sa mga lalawigan ng Cordillera Administrative Region partikular ang Kalinga, at mga lalawigan ng Laguna, Rizal at Quezon. Sa ngayon ay ang Sultan Kudarat ang pinagmumulan ng mas maraming aning kape sa bansa dala ng madalas na pagbagyo na dumaraan sa CALABARZON at sa CAR.

Instant coffee ang siyang madalas na nakikita sa mga tahanan, sinasabing nasa 90% ng mga kabahayan, habang may 10% ang gumagamit ng brewed coffee, at dumarami ang bilang ng coffee shops sa bansa.

Kaya ngayong araw na ito, yayain ang miyembro ng pamilya o mga kaibigan na magsalo sa pag-inom ng kape kahit sa sariling tahanan lamang. Maaari namang mabili ang anomang variants ng NASH Coffee sa sari-sari store o grocery stores na malapit sa inyo. Ito ang kapeng swak sa lasa, abot-kaya ng masa.

Previous articleJay Sonza, umaapela ng tulong!
Next articleAlbie, bet maging Vivamax king!