Home HOME BANNER STORY Internet voting para sa OFW sa 2025 elections, oks na sa Comelec

Internet voting para sa OFW sa 2025 elections, oks na sa Comelec

441
0

MANILA, Philippines- Aprubado na ang internet voting para sa overseas voters para sa 2025 national at local elections (NLE), sinabi ng Commission on Elections o Comelec nitong Miyerkules.

Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na ang “internet voting” ay layon na maabot ang mataas na overseas voter turnout.

Ang pag-apruba sa pagsasagawa ng electronic/internet voting para sa overseas Filipino voters ay base sa Section 16.11 ng Republic Act No. 9189, Section 28 ng RA 10390 at Section 23 ng RA 10390.

Sinabi ni Garcia na ang Comelec ay naghahanda na ng roadmap para sa electronic voting para sa overseas Filipinos.

Matagal nang hinihiling ng Comelec sa Kamara na magpasa ng batas na magpapahintulot sa mga OFW na makabito sa pamamagitan ng internet.

Hunyo 2021 nang lumagda ng memorandum of agreement ang poll body kasama ang tatlong solutions providers para sa live test runs ng internet voting systems.

Noong Setyembre 2021, ang Comelec ay nagsagawa ng online voting test run kasama ang information technology firms Indea, Smartmatic at Voatz.

Sinabi ng komisyon na ang internet voting test run ay bahagi ng exploratory study ng internet-based na teknolohiya para sa posibleng paggamit sa internet voting.

Ayon sa Republic Act 9189, o ang Overseas Voting Act, ang Comelec ay awtorisado na maghanap ng mga teknolohiyang nakabatay sa internet para sa pagboto sa ibang bansa. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleGMA out, Gonzales in bilang senior deputy speaker
Next articlePhilsucor bubuhayin ni PBBM para makatulong sa sugar cooperatives

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here